bangued's posts with tag: abra tunnel

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag abra tunnel
Photo AlbumAbra Wallpapers/E-Postcards (41 photos)Jun 27, '07 12:40 AM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
I know, these pictures don't (and won't) do any justice to the true beauty of Abra. So come over and see these sites for yourself.

Anyhow, spiff up your computer with these downloadable wallpapers. You can also send them as e-postcards to your family, friends and relatives.

Thanks to Richard, Kuya Godo and Vianne for their wonderful photos!

Sunset over Calaba River and Sunset over Downtown Bangued by Richard (http://rgba.multiply.com)

Clouds over Bangued, Sunset over Bangued, Calaba Beach/Beach Buddies and Tubo, Abra by Godfrey A. Tacadena (http://gadstech.multiply.com)

Malita Hanging Footbridge by Vianne (http://vianneyanzu.multiply.com)

Photo AlbumKarl Kalabaw (2 photos)Mar 28, '07 7:56 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Since I couldn't find any video of the 2001 Coke TV Commercial on the Internet - name all the major search engines: YouTube, Google, Yahoo, Yehey etc...nada, zilch, nothing, wala, awan, ibbong, naid! - I decided to make a watercolor painting of it. Pasensya na, parang drawing ng Grade 1! Haha! Anyway, check out the article about Karl Kalabaw ad here.

Blog EntryKarl Kalabaw!Mar 23, '07 6:36 PM
for everyone

Sakay ng school bus, ako kasama ng iba ko pang kamag-aral ang pinadalang representatives ng school namin para salubungin yung Jubilee Cross sa Tangadan Tunnel. 

Habang nasa daan, hindi napigilang magkwento ang principal ng paaralan namin.

"Dyan tumayo si Fernando Poe, dun sa may malaking bato," sabi ng principal namin habang tinuturo yung mala-paraisong tanawin ng Abra River at mga bundok.

Sa murang edad ko, wala akong alam na may nag-shoot na pala ng pelikula sa Abra. At si FPJ pa. Ang alam ko lang na pelikulang may koneksyon sa Abra ay yung buhay ni Conrado Balweg. Hindi ko nga rin alam kung kinunan din yung mga eksena sa Abra mismo. At ano nga ba yung pelikula ni FPJ na kinunan sa may malaking bato sa gitna ng buhangin sa Abra River?

Ewan ko ba pero hindi ko na nakalimutan yung sinabing yun ng principal namin. Makalipas ng mahigit anim na taon, wala sa panaginip kong mauulet yung pagpunta ko sa Tangadan Tunnel at makakapanood ako mismo ng shooting. Hindi man ito katulad ng shooting sa pelikula ni FPJ, hindi ko ito pinalampas.

"Sama ka?" sabi ng pinsan ko. "Oo ba, san ba?" tanong ko. "Sa Tangadan Tunnel daw, nood tayo ng shooting ng Coke."

Kinabukasan, bago mag-tanghali, nasa Tangadan Tunnel na kami ng pinsan ko. Isang beses ko pa lang napagmasdan ang tunnel ng ganun katagal. Noon yung sinalubong namin ang Jubilee Cross pero nasa kabilang side kami, sa bandang papasok sa Abra.

Maraming tao...andyan yung production crew, yung mamang mahaba ang buhok na nalaman kong sya pala yung director at iba pa. Yung kasama sa cast, apat sila: dalawang babae at dalawang lalake. Sa unang tingin, aakalain mong nasa college na sila pero mga high school students lang pala.

Lumipas ang buong hapon sa pagkuha ng mga eksena. Nakatutuwang panoorin yung mga taga-hila at taga-tulak ng trailer kung saan nakatungtong yung red beetle at isang cameraman. Tapos pag hindi nagustuhan ng director, hihilain ulit pabalik yung red beetle tapos uulitin yung eksena. Matagal rin ang shooting dahil kailangan nilang padaanin yung mga sasakyan.

Kinabukasan, mas maaga yung shooting. Alas-sais ng umaga, andun na kami. Ang lokasyon: sa Pidigan. Sa mga madalas mag-byahe, ito yung highway na medyo mahaba-haba at walang liko, bago yung junction na may sign na "To Bangued" na nakaturo sa bandang kanan. "Bakit nila napili yung lugar na yun?" tanong ko sa sarili. Malamang nagandahan sila sa highway na may naka-linyang mga puno sa gilid. O marahil nagandahan sila sa magagandang tanawin ng mga bundok nung dumaan sila sa highway na yun.

Enjoy din ang umagang yun dahil sa lilim ng mga punong mangga napiling sumilong at kumain yung buong production crew. Hindi ko na pinanood ang ibang eksena dahil busy na kami ng mga kaibigan ko sa pangunguha ng mangga. (Mangga o shooting? Mangga syempre!)

Pagkaraan ng mahigit tatlong buwan, inilabas na yung patalastas sa TV. Aba, may kwento pala at may mga dialogue yung mga cast! Akala ko nun tumatakbong red beetle lang parang "silent film." Yung babaeng nag-drive si Pam Ayson ng De La Salle Zobel (noong ginawa yung TV commercial). Napag-alaman kong mahilig din pala syang mag-travel. Noong una, nagtaka rin ako kasi iba na ang ayos ng mga eksenang kinunan. Kung taga-Abra ka, alam mong hindi mo lalampasan ang bayan ng Pidigan kung papasok ka pa lang sa Abra. Pero sa TV commercial, baliktad at ang bilis! Hay, TV nga naman! Yung eksena sa Pidigan na kinunan ng ilang oras, sa TV mga limang segundo lang. Yung papasok sa Abra Tunnel, mga ilang segundo lang din. San kinuha yung kalabaw at sa Abra rin ba sya kinunan? Ano sa palagay nyo?

Sa wari ko, may maganda ring naidulot yung patalastas ng Coke sa imahe ng ating probinsya. Sa isang probinsyang uhaw sa pagkakakilanlan katulad ng Abra, itong patalastas na ito ang nagbigay-daan para makilala ulet ang Abra ng sambayanang Pilipino sa magandang paraan at pagkakataon.

Tuwing umuuwi ako at nakikita kong pabungad na yung Tangadan Tunnel, hindi ko mapigilang matuwa. Marami na kasing magagandang alaalang nakakabit dito katulad ng ginagawa namin nung bata pa kami. Sinisigaw namin nang buong lakas ang mga pangalan namin habang papasok sa loob ng tunnel. Oo, nakatutuwa't ginawa rin yun sa TV commercial na pwede mo ring ulit-ulitin sa tuwing uuwi ka sa Abra.

Karl Kalabaw!!! Karl Kalabaw!!! Karl Kalabaw!!!
Nge...nge...nge...nge...nge...
Bakit? Cute naman ang kalabaw ah!


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help